Police scalawags, hindi na ipatatapon

TINIYAK ni Manila Police District Director PS/Supt. Vicente Danao, Jr., na hindi niya ipatatapon sa ibang lugar ang mga police scalawag.
Inihayag ito ni Supt. Danao, sa naganap na command visit kahapon ng umaga ni National Capital Region Police Office Director General Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Supt. Danao na sa halip na ipatapon sa malalayong destinasyon ang mga pulis na nagkakaroon ng pag-abuso at pagkakamali, mas dapat silang tutukan ng pansin at disiplinahin upang maituwid.
Naniniwala si Supt. Danao na hindi epektibo ang pagpapatapon sa malayong lugar sa mga nagkakasalang pulis.
Giit ni Supt. Danao, kung iba umano ang hahawak na hepe sa pulis na nagkasala ay hindi pa ito lubos na kilala o alam ang personalidad kaya hindi masyadong mabibigyang pansin at hindi rin masusubaybayan ang mga galaw na posibleng magpalala pa sa mga dating gawi nito.





Comments