top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Patong sa ulo ng killer ni Cong. Batocabe, sobra-sobra nang pang-New Year, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2018
1 min read

P50 milyon ang reward sa sinumang tipster sa killer ni Congressman Rodel Batocabe ng Bicol.

Sobra-sobrang pang-New Year ‘yan!

◘◘◘

SIGNAL No. 1 ang dala ng Bagyong Usman.

Killjoy talaga sa pagsalubong sa Bagong Taon!

◘◘◘

NIÑOS Inocentes ngayon.

Kaya huwag na huwag mag­pa­pautang!

◘◘◘

Ang Tatlong Mago ay tatlong mahuhusay na manghuhula.

Ang Tatlong Mago ang nakaiskup ng Pasko!

◘◘◘

KUNG hindi natagpuan ng Tatlong Mago si HesuKristo sa sabsaban, walang Pasko ang daigdig.

Isa sa Tatlong Mago ay mula sa far east!

◘◘◘

ANG tradisyon na nagkakaloob ng regalo ay isang tradisyon nakabinhi sa lahing kayumanggi.

Hindi malayong “Pinoy” ang isa sa Tatlong Mago!

◘◘◘

ANG pro-biotics o mabuting bacteria ay nagmumula sa binurong kanin, binurong gulay at binurong isda.

Ang laway ng tao at pawis sa mga singit ay pro-biotics!

◘◘◘

ANG bulag na pinagaling ni HesuKristo ay pinahiran ng lupa na binasa ng laway ni HesuKristo.

May bad bacteria ang mga mata ng biktima at nagamot siya mula sa good bacteria na nagmula sa laway na hinalo sa putik na tinatawag na “bentonite”!

◘◘◘

ANG magic ay ibinabansag sa mga hindi ordinaryong sitwasyon na mahirap paniwalaan.

Nang lumaon, binansagan itong kulam.

Pero, nang mag-level-up, tinawag na itong medisina!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page