Parak todas sa hit & run
LAGUNA—Isang pulis ang namatay nang ma-hit-and-run ng hindi pa mabatid na uri ng sasakyan, kamakalawa sa Bgy. Landayan, San Pedro City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si P02 Paul Malucay, nakatalaga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon sa mga saksi, nakatayo si Malucay sa harap ng restoran nang mabangga ito ng hindi pa mabatid na uri ng sasakyan.
Dinala ng mga saksi si Malucay sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng sasakyang nakabangga sa biktima.





Comments