NAPAHIYA ANG HEAT SA 30 POINTS NI LEONARD


NALALABING 22.7 segundo na lamang sa 4th quarter nang isara sa 3-puntos ni Danny Green ang laro at itarak ang 106-104 na panalo ng Toronto Raptors sa Miami Heat.
Nakatipon si Kawhi Leonard ng 30 puntos upang bumida sa Raptors kasabay ng pagtatala ng NBA-best na 26-10 sa record at ito na ang ikatlong laro na nanalo ang Toronto mula sa pagkakaiwan sa 17 puntos.
Nakapagbasket si Green ng 18 points, nakabakas ng 16 si Fred VanFleet upang iangat pa ang momentum ng Toronto sa 4th quarter na nakapagsubi ng 12 at nagpalitan ng kalamangan sa apat na tabla. Nakahirit ng 21 marka si Justise Winslow para sa Miami Heat at tuluyang natuldukan ang five-game winning streak. Magtutuos ang Raptors at ang Orlando Magic sa Sabado habang makakalaban ng Heat ang Cleveland Cavaliers.
Samantala, hindi lilipat si Golden State Warriors star Kevin Durant ng ibang team iyan ay kasunod ng lumabas na mga ulat na lilipat ito sa ibang team. Ayon sa NBA’s Most Valuable Player, kuntento na siya sa Golden State Warriors. May option si Durant sa kaniyang two-year $61.5 million kontrata at maging free agent sa 2018-19 season. (MC)





Comments