top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mister na umiiyak at nakasuot ng puting gown at belo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2018
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Sheila ng Sheila_Tan@facebook. com

Dear Professor,

Hihingi ako ng ad­vice tungkol sa mga na­papanaginipan ko.

‘Yung una ay uuwi raw ang mister kong umi­iyak at gusto na ni­yang bumalik sa amin. Hiwalay na kami at may bago na siyang pamilya.

‘Yung sumunod na araw, nanaginip ako na may nalaglag na kuto at garapata sa ulo ko.

Pangatlong gabi na­man ay nanaginip ako na ikakasal daw ako, kaya nakasuot ako ng puting gown at belo na hindi nakatakip sa muk­ha ko at ‘yung mister ko raw ang maghahatid sa akin sa altar, pero hindi ko nakita sa Simbahan ang mister ko at ‘yung magiging groom ko da­hil mga kaibigan at pa­milya ko lang ang nan­du’n.

Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko? Sana, masagot ninyo ang mga tanong ko.

Salamat!

Naghihintay,

Sheila

Sa iyo Sheila,

Ang una mong pana­ginip na umuwi sa inyo ang mister mo at iyak siya nang iyak ay nagsasabi na hindi siya masaya sa kanyang bagong pa­milya.

Dahil dito, makikitang kahit hiwalay na kayo, mahal mo pa rin siya, pero hindi ito nangangahu­lu­gang anumang araw ay magkakabalikan kayo ka­hit pa ang mga kapamilya niya ay hangad na mu­ling mabuo ang inyong pamilya.

Ang panaginip mo na nalaglag ang kuto at ga­rapata sa ulo mo ay nag­ba­babala na puwede kang magkasakit, pero huwag kang mag-alala da­hil kusa ka ring gagaling.

Ang ikatlong panagi­nip mo na ikakasal ka ay nagbabalitang magkaka­roon ka ng bagong kapa­laran kung saan liligaya ka na hindi tulad ngayon na nagkukunwari ka lang na masaya, pero deep inside ay sobrang lungkot mo.

Dahil dito, dapat mong malaman na kapag nagpa­palit ang mga panahon, ang mga tao ay sinasalu­bong ang pagdating nito. Kaya ang payo na “let’s celebrate life” ay para sa iyo.

At dahil malapit na ang Bagong Taon, mas magandang maghanda ka kahit hindi bongga, ang mahalaga ay alam mong magkakaroon ka ng ba­gong kapalaran na muling magpupuno sa iyo ng ka­ligayahan.

Huwag mo ring kalili­mutang bumili ng ba­gong damit o personal na gamit, hindi rin mahalaga kung mura o mahal ang mga ito dahil ang impor­tante ay may bago ka.

Pero, higit sa lahat ang pinakaimportanteng payo para sa iyo ay ang usung-usong sinasabi ng mga millenial na “move on and forward so that you may have ay happy life”!

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page