Malinaw ayon sa palad...LALAKING NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG NILILIGAWAN SA TAONG 2019
- BULGAR

- Dec 28, 2018
- 2 min read

KATANUNGAN
1. Nakahihiyang aminin na ako ay binata pa rin sa edad na 38. Nagka-girlfriend na ako, kaya lang hindi nag-prosper dahil naging matagal ako sa abroad.
2. Sa ngayon, may nililigawan akong babae na isinilang noong September 24, 1980. May pag-asa bang maging girlfriend ko siya? Sa totoo lang, maganda ang pakikitungo niya sa akin sa tuwing magkasama at nag-uusap kami.
3. Sana, siya na ang nakaguhit sa aking mga palad upang makapaghanda na ako sa pagkakaroon ng sariling pamilya lalo na at nagkakaedad na ako, pero walang nangyayari sa mga naipundar ko.
KASAGUTAN
1. Sadyang medyo napadulo ang Marriage Line (Drawing A at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan mapapansin mong makikita ang nasabing guhit ng pag-aasawa, hindi sa gitnang bahagi, sa halip, mas malapit sa daliri ng kalingkingan o hinliliit (arrow a.). Ito ay malinaw na tanda na ang iyong pag-aasawa ay magaganap humigit- kumulang sa edad mong 39 pataas. Ibig sabihin, kung hindi sa darating na 2019, malamang sa taong 2020.
2. Pansinin mo ring tuwid na tuwid ang pagkakapahalang ng iyong Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ang tinatawag na “good- looking marriage line” na nangangahulugang ito ay may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa na siya ring pinapangaraap ng bawat indibidwal tulad mo na malapit nang tumandang binata.
Kung saan ang maligayang pag-aasawa ay kinumpirma rin ng iyong lagda na suwabeng-suwabe mong isinulat, walang bumabalik na guhit sa direksiyong pakaliwa, sa halip, malinaw at tuluy-tuloy na umusad patungong kanan na nagtapos sa straight line na stroke. Ibig sabihin, ito ay malinaw na tanda na sa sandaling nakapag-asawa ka, tulad nang paulit-ulit na nabanggit na habambuhay ka nang liligaya sa piling ng kaisa-isang babaeng malaon mo ng tinatangi-tangi at minahal na sa kasalukuyan ay kakilala mo na.
MGA DAPAT GAWIN
1. Assad, madali kang makapag-aasawa kung susundin mo ang ganitong mga pamamaraan:
2. Una, tuwing pupunta ka sa babaeng nililigawan mo, dapat ay palaging pareho ang oras ng punta mo at gayundin ang araw. Halimbawa, tuwing araw ng Sabado bandang ala-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi. Kumbaga, dapat palaging ganu’n ang oras.
3. Pangalawa, dapat din palagi kang may dalang gift kung saan ang ireregalo mo sa babaeng nililigawan mo ay isang klase lang tulad ng ice cream, chocolates o kaya ay cake
4. At pangatlo, kailangang palagi kang nakasuot ng damit na may dekorasyong kulay pula o kahit na pula na mismo ang damit na isuot mo sa tuwing kayo ay magkasama.
5. At sa sandaling nagawa mo ang nasabing mga simpleng paraan na binanggit sa itaas, tiyak ang magaganap, ayon sa iyong mga datos, hindi magtatagal, tuluyan nang mahuhulog ang loob sa iyo ni Ms. Libra, upang pagsapit ng susunod na taong 2019, sa edad mong 39 pataas, siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments