IED ng NPA sumabog, 11 sundalo nadale

NASA 11 sundalo ang iniulat na sugatan matapos makasagupa ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley.
Ayon kay Capt. Jerry Lamosao, alas-10:00 ng umaga nang maganap ang sagupaan sa pagitan ng 10th Division Reconnaissance Company at 25th Infantry Battalion at ng mga rebelde sa Sitio Tinago, Bgy. Mt. Diwalwal, Monkayo.
Sinabi ni Lamosao na iniulat ng mga residente sa mga sundalo ang presensiya ng NPA sa lugar na nagre-recruit umano ng mga bagong miyembro at pinupuwersa ang mga sibilyan na dumalo sa anniversary gatherings ng grupo.
Roon na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng gobyerno.
Agad nagpasabog ng improvised explosive device ang mga rebelde na ikinasugat ng mga sundalo.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa mga rebelde.





Comments