top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | DISYEMBRE 28, 2018 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 28, 2018 (Biyernes): Higit kaninuman, mas marami kang dapat na ipagpasalamat sa iyong kapalaran dahil kahit may mga pagkukulang ka, mas masuwerte ka sa iba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang wala kang proble­ma, magugulat ka dahil ang mga problema mo gaanuman kabigat ay ku­sang malulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-19-20-24.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagdara­tingan sa bu­hay mo ang maraming bukas kung saan marami ring maga­gandang oportunidad na ilalagay sa iyong harapan ang langit. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-25-39-40-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Dagdag na saya ang da­rating sa iyo. Sa biglang tingin, ito ay masayang balita, kaya lang, ito rin ay nagsasa­bing, nalalapit na ang mga araw ng pagkabagot. Ma­su­­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-29-30-33.

CANCER (June 21- July 22) - Pahinga ang kaila­ngan mo. Nama­ma­hinga ang tao kapag siya ay pagod, maghanda ka sa pagdating ng mala­laking suwerte. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag uma­bot ka sa pina­kamataas, ang kasunod nito ay pagbaba. Maghinay-hinay ka at huwag mong sikaping sumobra ang taas mo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-22-28-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagiging una ang panga­lawa, ito ay nangyayari sa taong hindi mainipin at may positi­bong pananaw sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-27-32-36-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbubunga ang mga gi­nawa mong preparasyon para sa iyong mga pangarap. May es­pesyal din itong resulta na nagsasabing, ang pinaghi­rapan ng iba ay sa iyo rin mapupunta. Masu­wer-teng kulay-blue. Tips sa lotto-18-24-25-34-44-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Negati­bong kata­ngian ang pa­giging mabagal ayon sa marami, pero ang naka­gu­gulat ay ikaw na ma­bagal ngayon ay tatang­gap ng magagandang ka­palaran mula sa langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-17-26-39-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumu­kuha nang ma­lakas na bu­we­lo ang mga suwerte mo kung saan susuko ang mga lihim na naghaha­ngad na mabigo ka. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-20-23-38-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagba­balik ang uma­alis. Ang bina­likan kahit hindi nag­hintay ay magigising sa katotohanan na hindi pala puwedeng dayain ang sa­rili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-4-18-26-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya kung babali­kan mo ang iyong nakaraan. Tangga­pin mo nang masaya ang iyong mga pagkakamali nang sa gayun ang ngiti sa iyong mga labi ay ma­ging pampabuwenas mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-29-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahanap ka ng mga su­werte mo sa buhay. Hindi ka matatag­puan dahil nasa ibang lu­gar ka. Ibig sabihin, sa ma­niwala ka o hindi, iba ang iyong napuntahan. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-25-30-39-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page