Digong sa mag-amang mayor at cong. na nanggulpi ng pulis | TULUYAN N‘YO!

PINAKAKASUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ng direct assault ang mag-amang pulitiko sa Iloilo City na nambugbog umano ng isang pulis.
Sinabi ng pangulo ang kanyang direktiba nang bisitahin nito ang burol ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.
“Well, kung may kasalanan man ang police, it’s not a reason especially a police officer na bugbugin mo. So, I will look in… I just read it from the newspaper. So, they will have to file the case. Direct assault,” pahayag ni P-Duterte sa panayam ng mga mamamahayag.
“So, again, you could file charges. I will ask General Año to take a look bakit nagkaganu’n, investigate. But I will… I’m not urging him. I’m ordering him to file a case against the two. Iyong mag-ama ba ‘yun? Mag-ama? Maski sino,” ani P-Duterte.
Matatandaang, nasangkot ang mister ni dating Department of Health (DOH) Sec. Janette Garin na si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at maging ang ama nito na si Guimbal Iloilo Mayor Oscar Garin na kasama umano sa tumulong upang bugbugin si PO3 Federico Macaya.





Comments