top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bulkang Mayon nag-alburoto

  • Vyne Reyes
  • Dec 28, 2018
  • 1 min read

DALAWANG beses na nagbuga ng abo ang Bulka­ng Mayon sa Legazpi, Albay kahapon sa kasagsa­gan ng pag-ulan na dulot ng Bag­yong Usman.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seis­mology (Phivolcs­), unang naitala ang phreatic eruption alas-8:17 ng umaga at sinundan ng alas-8:28 ng umaga pa rin.

Lumikha ito ng buga ng abo na may taas na 600 metro at 200 metro mula sa tuktok ng Mayon.

Bago ang nasabing mga insidente ng pagbuga ng abo, nakapagtala ang Phivolcs­ ng isang volcanic eruption sa nakalipas na 24 oras.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon na ang ibig sabihin ay nasa katamtamang antas ito ng pag-aalburoto.

Nagpaalala ang Phivolcs­ sa publiko sa posi­bilidad na magkaroon ng mga biglaang pagsabog, pag­daloy ng lava at pyroclastic density cur­rents (PDC), ga­yundin ang ashfall.

Umiiral pa rin ang pag­babawal pumasok sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone at ang pag-iingat sa mga nasa 7-kilo­meter Extended Danger Zone na sumasakop sa mga bayan ng Anoling, Camalig hanggang sa Sta. Miseri­cordia at maging sa Sto. Do­mingo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page