top of page
Pokwang.jpg

Bangko nadale ng termite gang

Levi Gonzales
Dec 28, 2018
1 min read

INAALAM pa ang eksaktong halagang natangay ng mga kilabot na Termite Gang sa isang bangko sa Bgy. Gulang-Gulang, Lucena City, Quezon.

Batay sa inisyal na ulat, alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng tagapamahala ng AUB Bank, Lucena Diversion Branch, ang panloloob ng hindi pa nakiki­la­lang mga suspek. Naghukay ang mga ito hanggang sa tinungo ang kainan ng mga empleyado.

Winasak ang sementadong sahig at tuluyang tinungo ang main vault.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page