top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Awww! SINEHAN NG IBANG MMFF ENTRIES, NAPUPUNTA NA SA MOVIE NI VICE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2018
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NABABAWASAN na ang sinehan na nagpapalabas ng ilang entries ng Metro Manila Film Festival 2018. Kabilang na rito ang Rainbow’s Sunset na isa sa dalawang pelikula na nakakuha ng pinakamataas na ratings mula sa CEB na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Sunshine Dizon at Aiko Melendez at idinirek ni Joel La­mangan. Mula kasi sa 50 cinemas nu’ng unang showing day (December 25) ay naging 31 na lang ito kahapon.

Pero, kung ganu’n ang nangyari sa ilang pelikula, nadagdagan at hataw naman ang Fantastica ni Vice Ganda na nangunguna at pinataob ang pitong kalaban sa MMFF, dahil base sa recent tweet ng Unkabogable Star, naka-P100 million na ito sa loob ng 2 days.

Aniya, “100Million na palakpak, pagmamahal at pasasalamat po Madlang People sa buong Pilipinas!!! FANTASTIC tayo ngayong Pasko!!! #Fantastica”

Ganunpaman, binati rin ng Unkabo­gable Star ang mga kaibigan niyang kasali rin sa nabanggit na film festival.

Ani Vice, “Congratulations din sa mga kai­bigan kong sina @annecurtissmith @Mscathygonzaga Toni Gonzaga Coco Martin @prinsesachinita Jessy Mendiola @_ricciiirivero and Sir Eddie Garcia !!!! Tagumpay tayong lahat!!!”

Agad namang nag-reply ang co-host niya sa It’s Showtime na si Anne Curtis na bida sa pelikulang Aurora at sinabing, “Thank you sis! Congrats! #1!! FANTAS­TIKA KA TALAGA! LOVE YOU!”

Showing pa rin sa mga sinehan ang Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2018. Kabilang dito ang Fantastica na pinagbibi­dahan nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez; Jack Em Popoy: The PulisCredibles starring Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza; Aurora starring Anne Curtis; Mary, Marry Me starring Gonzaga sisters and Sam Milby; One Great Love starring Kim Chiu, Dennis Trillo and JC de Vera; The Girl in the Orange Dress starring Jessy Mendiola and Jericho Rosales, Rainbow’s Sunset starring Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Sunshine Dizon at Aiko Melen­dez; at OT­LUM na pinagbibi­dahan ni Ricci Rivero.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page