top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Señor...KAALAMAN TUNGKOL SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2018
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang iba’t ibang paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Alam ng lahat na sa tuwing sasapit ang New Year ay naghahanda ang bawat pamilya, as in, all over the places there’s a celebration. Nakagisnan na natin ang ganitong ma­sayang okasyon at ang New Year’s celebration ang pina­kamasaya sa lahat ng selebrasyong ipinagdiriwang ng mga tao.

Sa kasaysayan ng mundo, nagsusuot ng bagong damit ang mga tao, naghahanda ng masaganang pagkain at nagsasalu-salo ang mga makakamag-anak at magkakapamilya.

Ang mga nasa malalayong lugar ay nag-uuwian sa ka­nilang bayan upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Hinihintay ng lahat ang pagpapalit ng kalendaryo na sa mismong hatinggabi ay nagsasama-sama sa masayang pagdiriwang.

Ngayon, hindi pa rin nagbabago ang tradisyon na dapat ay ipagdiwang ang pagdating ng Bagong Taon. Gayunman, may ilang pagbabago kung ikukumpara sa sinaunang pag­diriwang. Bagama’t, noon, tulad ng nasabi na, naghahanda ng masaganang pagkain, ganu’n pa rin ngayon.

Gayundin, ang paligid ay iniilawan ‘yung talagang sobrang maliwanag at ang mga pailaw ay nakalagay sa mga bintana at daanan ng buong bayan.

Ang wala noon ay ang paggamit ng firecrackers dahil hindi pa ito naiimbento. Pero, nang maimbento ang firecrakers, ang China lang ang gumagamit nito.

Noon, ang mundo ay ang Western World at hindi kabilang dito ang China. Gayunman, nang nakarating sa China ang mga taga-kanluran, dinala nila ang firecrackers sa Europa kaya nauso na rin ang mga paputok sa buong mundo.

Nagulat ang mga taga-Europa sa firecrackers dahil ma­ganda ito at masayang gamitin bilang pailaw. Mula noon, ang buong mundo ay masasabing masaya tuwing Bagong Taon dahil sa mga paputok.

Dito sa atin, bawal na ang paggamit ng paputok, pero naglagay ang pamahalaan ng designated areas para sa mga gagamit nito. Pero, ang paalala natin sa lahat para makaiwas sa disgrasya, huwag na huwag tayong gagaya sa iba na bihasa at may kaalaman na sa tamang paggamit nito.

Advance Happy New Year sa lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page