1,287 pasahero stranded sa mga daungan dahil sa bagyong Usman

NASA 1,287 pasahero ang stranded sa iba’t ibang daungan dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman.
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula alas-8:00 ng umaga, 80 katao ang stranded sa Port of Maasin; 56,Liloan Port; 362 Port of San Ricardo sa Southern Leyte.
Habang 69 naman ang stranded sa Port of Balwarteco; 55 sa Port of San Isidro; 105 sa Port of Jubasan sa Northern Samar.
Nasa 205 naman sa Port of Calbayog sa Western Samar at 355 sa Port of Dinagat. Bukod sa pasahero, may 87 rolling cargoes, 11 vessels at 5 motor bancas ang hindi pinayagang makabiyahe sa naturang mga daungan.
Sinuspinde rin ng PCG ang lahat ng biyahe sa karagatan ng Surigao City sa Surigao del Norte.





Comments