Tricycle na may dalang mga paputok, nagliyab


Photo by: ABS-CBN
LUMIYAB ang isang traysikel na may dalang mga paputok sa McArthur Highway sa Bocaue, Bulacan, kahapon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumayad sa kalsada ang isa sa mga dalang pailaw ng sasakyan kaya sumindi at nadamay ang ibang kargamento nito.
Ayon kay Bocaue Municipal Fire Marshall Fire Safety Inspector Maria Leah Sajili, agad rumesponde ang mga bumbero nang makatanggap ng ulat mula sa ilang residente tungkol sa sunog at naapula ang apoy.
Walang nasaktan sa insidente bagama’t, mabilis umanong tumakas ang nagmamaneho ng traysikel.
Paglilinaw ni Sajili, hindi bawal ang maglipat ng mga pyrotechnics gamit ang tricycle basta may permit to transport ito mula sa BFP at Philippine National Police kapag mahigit isang kilong paputok ang kakargahin. (BRT)





Comments