top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ROACH AT PACMAN, NAGKASAMA AT NAGKITA SA U.S. TRAINING

MC / Alvin Olivar
Dec 27, 2018
1 min read

ISANG nakaka-touch na sandali nang muling magkita at magkasama ang tinaguriang ‘legendary boxing buddies’ nitong nagdaang Pasko sa Wild Card gym sa Los Angeles, California kung saan nagsasanay si Manny Pacquiao.

Naiulat sa Philboxing nitong Lunes habang si current World Boxing Association (WBA) Welterweight king Pacquiao ay nasa training sa Wild Card Boxing Gym ni Hall of Fame Trainer Freddie Roach ay nakitang magkasama at nagkakausap sila.

Pamilyar na pamilyar ang tagpong iyon, dahil nagbalik sa alaala ng mga nakakakita kung paanong hinubog doon ni Roach si Pacquiao upang maging ganap na nag-iisang 8th division boxing champion ng mundo bilang dati niyang training supervisor.

Habang nagsasanay si Pacman ay naroon sina strength and conditioning coach Justine Fortune, lead trainer Restituto “Buboy” Fernandez, Raides “Nonoy” Neri at Roger “Haplas” Fernandez. Nagkakatuwaan ang training team kasama si Roach bago ang training session ni Pacman.

Nagsilbing matagal na tahanan ang Wild Card Boxing Gym sa Vine Street ni Pacquiao bilang training camp mula nang magsimula sila rito noong 2001 nang suwertehin siyang mapili bilang last minute na kapalit na lalaban kay Lehlo Ledwaba para sa International Boxing Federation (IBF) Super Bantamweight crown.

Ang title showdown na iyon ni Pacman kontra Ledwaba ang unang pagsampa sa U.S. ring ng Pinoy at tinalo niya sa technical knockout si Lehlo.

Nasungkit ni Pacman ang puso at hinangaan siya nang husto ng boxing fans sa buong mundo dahil sa walang takot na pakikipagsuntukan at agresibo ang kanyang fighting style.

Ang knockout ni Ledwaba ang naging stepping stone ni Pacman tungo sa boxing superstardom.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page