Miss universe Catriona Gray, gawing ARMY reservist

HIHIMUKIN umano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maging reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Kung si Lorenzana ang tatanungin, mas nais niyang maging Army reservist si Gray.
Si Lorenzana ay isang retired Army Major General.
Sa ilalim ng AFP Reservist Act of 1991, ang lahat ng mga reservist ay may mandatong tumulong sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa panahon ng giyera, pananakop o rebelyon; umayuda sa relief and rescue operations kapag may sakuna o kalamidad; maging bahagi ng socioeconomic development at tumulong sa operasyon at pangangalaga ng mahahalagang government at private utilities.
Bukas din si Lorenzana sa posibilidad na bumisita si Gray sa mga kampo ng militar sa buong bansa.





Comments