top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | DISYEMBRE 27, 2018 (Huwe­bes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 27, 2018 (Huwe­bes): Walang pagbaba­go, magpapatuloy pa rin ang mga hamon ng iyong ka­palaran. Pero, ang ma­­suwerteng balita, mag­pa­patuloy din ang pag-ani mo ng mga tagum­pay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang banat pa at maa­abot mo na ang ka­­tuparan ng iyong am­bis­yon at ang payo sa iyo, dagdagan mo pa ang mga ito, kumbaga, hindi ka dapat makuntento sa ka­sa­lukuyan mong kala­­ga­yan. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huma­ha­bol pa ang magagandang kapalaran na gustong gu­muhit sa buhay mo. Ma­natili kang positibo nang sa gayun ay madagda­gan pa ang magagandang pag­babago sa iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lot­to-10-14-21-28-30-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Unahin mo ang tala­gang gusto mo. Hindi maganda na magbago ka ng prayo­ri­dad dahil lang sa ibang tao. Kapag ganu’n, sila ang liligaya at hindi ikaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lot­to-4-6-11-23-24-32.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi mo kailangan ng maraming bagay. Mas pahalagahan mo ang magandang paki­kipagrelasyon sa mga ma­hal mo sa buhay. Ito ang susi ng kaligayahan para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-17-27-30-31-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maganda ang mga regalo, pero sa unang mga araw lang. Ang tu­nay na maganda ay ang makita mong nagbabago na ang taong malapit sa buhay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wertang kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-37-38-45-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi lang ang mga paputok ang sumasa­bog. Ingatan mong magalit ka. Kahit hirap ka nang unawain ang tao, mabu­ting sikapin mo pa rin siyang intindihin. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-24-27-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang makagaganda sa buhay mo, ‘yun ang gawin mo. Hu­wag kang magkakamali ng desisyon dahil sobra ka na sa pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-25-31-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang labas-masok na negatibong pananaw sa isip mo. Ang mga ito ay nagtatangka lang na pi­gilan ang iyong pag-asen­so. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-16-20-34-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dito sa mundo, mahi­rap paniwa­la­an na mas susuwertehin ang nahihirapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-27-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka ma­saya, roon ka! Hindi makagaganda para sa iyo ang napakahabang pagsasakripisyo. Ang bu­hay ay masaya kaya hindi ka dapat naghihirap. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-26-33-37-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makiba­hagi ka sa mga aktibi­dad na magbibigay ng inspiras­yon sa mga tao. Marami kang katangian na puwe­deng magbigay ng kaka­ibang sigla at lakas sa mga mahihina. Masuwer­­teng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-26-36-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humihina ang malala­kas at ang mahihina ay lumalakas. Mahina ka ayon sa iba, kaya humanda sila dahil palalakasin ka ng nasa itaas. Masuwer­teng kulay-red. Tips san lotto-2-11-18-27-29-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page