Gun runner utas sa pulis
- Jeff Tumbado
- Dec 27, 2018
- 1 min read
UTAS ang 28-anyos na lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa San Fabian, Pangasinan.
Dead-on-the-spot si Christian Narag, sinasabing gun runner sa naturang bayan.
Bigla umanong pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad na magsisilbi sana ng search warrant sa kanyang bahay sa Bgy. Longos Amngonan Parac-Parac, pasado alas-3:00 ng madaling-araw.
Gayunman, hindi maipaliwanag ng pulisya kung bakit isinisilbi ang naturang warrant laban sa suspek sa araw mismo ng Pasko at madaling-araw pa. Wala namang nai-report na nasugatan sa panig ng pulisya.
Nakatakda sanang halughugin ng mga awtoridad ang bahay ni Narag sa paniwalang nag-iingat ito ng ilang matataas na uri ng mga baril.





Comments