top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

YEARENDER: PACQUIAO, ANCAJAS DIAZ, DIDAL AT SASO, STAR NG 2018

Clyde Mariano
Dec 26, 2018
2 min read

SA pangkalahatan, hindi matagumpay ang kampanya ng ‘Pinas sa palakasan sa taong nagdaan.Pero iilan lan ang nagtagumpay katulad ng pangunguna nina universal boxing icon Senator Manny Pacquiao at world champion Jerwin Ancajas at Brazil Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at ang dalawang bagito na sina Margilyn Didal at Yuka Saso sa Southeast Asian Games sa Indonesia.

Muling nanalo ang fighting Senator na taga General Santos City at Sarangani world boxing champ kontra defending champion Lucas Mathysee ng Argentina at si reigning IBF Super Flyweight champion at 2017 PSA Athlete of the Year na si Jerwin Ancajas sa tatlong laban, ang isa kay Rolando Gonzales ng Mexico at sa kanyang kababayan na si Jonas Sultan matapos talunin si Israel Garcia ng Mexico na ginawa sa Corpus Christi, Texas, USA.

Napanatili ni Diaz ang kanyang korona sa 53kilograms matapos magwagi sa Asian Indoor Games and Martial Arts sa Turkmenistan; wagi ang wala pang karanasang Cebuana na si Didal sa peligrosong sport na skateboarding habang ang Filipino-Japanese golfer na si Saso ay nasungkit ang ginto sa individual at team sa Asian Games sa Indonesia.

Ang kabayanihan nina Sen. Pacquiao, Ancajas, Diaz, Didal at Saso ang naging “crowning glory” ng ‘Pinas sa palakasan katulad ng pagbibigay kulay ng Bicolana na taga Oas, Albay na si Filipina-Australian Catriona Gray na su­mungkit ng korona sa Miss Universe na ginawa sa Bangkok, Thailand kasabay ng pagsauli ng makasaysayang Balangiga Bells na sapilitang kinuha ng mga Amerikano sa Eastern Samar noong 1901 at mapili ng Austrian-based research si President Rodrigo Roa Duterte bilang the world’s best president at pumangalawa lang si Chinese leader Xi Jinping.

Sumosyo ang batang si Christian Teo, isang Norwegian-Pinoy na taga- Boracay, Aklan sa pilak na nasungkit sa kiteboarding sa World Youth Olympics sa Buenos Aires, Argentina at si Carlos Yulo na naka-tanso sa World Gymnastics sa Japan; habang ang dalawang batang swimmers sina Marc Bryan Dula ay naka- walong ginto at pitong ginto kay Filipino-Iranian Micaela Jasmine Mojdeh sa Hamilton sa Dubai.

Ganoon din ang paddlers na nagwagi sa Malaysia, Mongolia, Chinese Taipei at sa Palawan. Nanalo rin si Sydney Olympics bronze medalist Adeline Dumapong ng tanso sa powerlifting sa Asian Para Games at si Arnel Mandal ng pilak sa World Wushu Aquatics Long Course Swimming competition na ginawa sa Dubai, United Arab Emirates.

Hindi rin nagpaiwan si Palarong Pambansa “queen of sprint” Jessel Lumapas, Eleja Janice Liwag, Juan Miguel Dalangin, Mark Anthony Casenas, John Lloyd Cabelo, Fritz Jun Rodriguez at Ernesto Guzman na nanalo sa four nations BIMP-EAGA Sports Competition sa Darussalam, Brunei.

Inalat naman ang basketball team na nilahukan ni Filipino-American NBA star Jordan Clarkson, towering Filipino-German Christian Starhardinger at Filipino-Canadian Matthew Wright sa Asian Games at FIBA Continental Basketball qualifying. Lumasap din ang bowlers at boxers ng kabiguan.

Naiintindihan nating mahirap manalo ang mga Pinoy dahil mataas ang kalidad ng competition sa Asian Games na nilalahukan ng halos 40 mga bansa sa limang rehiyon sa Asya sa pangunguna ng powerhouse perennial champion China. Nagkasya na lang sa pilak si Filipino-Japanese judo Kiyomi Watanabe ganoon din sina Agatha Chrystenzen Wong at Divine Wally ng wushu sa Asian Games.

Tanso lang din sa table tennis sina Jamaica Sy, Rose Jean Fadol, Emy Rose Dael, Serendrina Balagtas, Ryan Jacolo at Elijah Chars Yamson sa Southeast Asia Table Tennis Championship sa Bali, Indonesia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page