Tambak na basura, bumulaga sa rizal park

TAMBAK na basura ang bumulaga sa paligid ng Rizal Park, kahapon ng umaga kasunod ng pagdagsa ng mga tao na nagdaos ng kanilang noche buena sa parke sa Ermita, Manila.
Batay sa taya ng Manila Police District, mahigit 5,000 katao ang nagtungo sa Luneta noong bisperas ng Pasko.
Kaugnay nito, umapela ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) sa publiko na huwag iwanan kung saan-saan ang kanilang mga basura.
Mas makabubuti na iuwi na lamang ang kanilang mga basura. Naitala na kahapon ng alas-11:00 ng umaga, ang may 2,000 katao na bumisita sa Luneta.
Bumida sa publiko ang makulay na fountain na isa sa atraksiyon na makikita sa Rizal Park.





Comments