Pamamayagpag ng mga pusher, holdaper, rapist at killer, tapusin na!


"GENERALLY peaceful”. Ganito umano mailalarawan ng mga awtoridad ang naging pagdiriwang ng Pasko.
Bagama’t, ayon sa monitoring ng Philippine National Police (PNP), hindi maitatangging may mga insidente na hindi kanais-nais.
May pulis na namaril na ikinasugat ng ilan katao, mayroon ding kaso ng indiscriminate firing at barilan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at tropa ng pamahalaan.
Kaya nananatiling nasa heightened alert status ang puwersa ng PNP at militar hanggang sa pagsalubong ng 2019.
Lalo na at ngayong araw nakatakdang ipagdiwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang ika-50 anibersaryo at inaasahan ng pamahalaan na sasabayan ito ng mga pag-atake, lalo na sa mga lalawigan.
Ito rin ang dahilan kaya umano hindi tinapatan ng gobyerno ng ceasefire ang tigil-putukan na ipinatupad ng rebeldeng grupo.
Sunud-sunod din ang kaso ng patayan kahit panahon ng kapaskuhan.
May pinatay na mambabatas, alkalde, tserman at iba pang opisyal ng gobyerno.
Hindi rin maubus-ubos ang mga rapist, holdaper at pusher.
Sila ang mga dapat bantayan ng mga pulis at hindi ang mga pulitiko na todo-epal para sa darating na halalan.





Comments