Kelot tinaga ng kaalitan
ISABELA—Isang lalaki ang namatay nang tagain ng kanyang nakaalitan sa inuman, kamakalawa sa Bgy. Daragutan East, San Mariano sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Roberto Tumamao, samantalang, ang suspek ay si Rowel Real, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Tumamao at Real na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Tumamao sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments