top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagyong Usman, hataw

  • Vyne Reyes
  • Dec 26, 2018
  • 1 min read

PUMASOK na sa Phiippine Area of Responsibility ang bagyo na pinangalanang ‘Usman’.

Huling namataan ng PAGASA ang nasabing tropical depression sa layong 955 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 60 kilometro kada oras.

Kumikilos si ‘Usman’ pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Batay sa paunang impormasyon ng Metro Weather, unang maaapektuhan ang Samar at Bicol Region.

May inaasahan ding epekto sa CARAGA at Central Visayas ang nasabing bagyo.

Ang Visayas, iba pang bahagi ng Bicol, CALABARZON, MIMAROPA at Metro Manila ay magiging maulan sa Biyernes habang sa Sabado naman makararanas ng pag-ulan sa Luzon.

Ayon pa sa PAGASA, makaaapekto sa dulong Hilagang Luzon ang northeast monsoon o Amihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page