5 yrs. old nireyp ng tiyuhin
Levi Gonzales
Dec 26, 2018
1 min read
NAHAHARAP sa patung-patong na reklamo ang 18-anyos na binata matapos umano nitong halayin ang 5-anyos na babae sa Bgy. Tugtug, San Jose, Batangas.
Ayon sa biktima, pasado alas-6:00 ng gabi habang abala siya sa paglalaro nang tawagin ng suspek na si alyas Roger.
Isinama umano siya sa loob ng bahay ng suspek saka dinala sa silid at doon hinalay.
Nang pauwiin, agad siyang nagsumbong sa kanyang ina.
Ilang oras ang lumipas nang masakote ang patakas na suspek.





Comments