4 pang pampasabog nakumpiska | GMA-7 BINOMBA
- BULGAR

- Dec 26, 2018
- 1 min read

ARESTADO ang isang lalaki na may dalang mga molotov bomb sa harap ng GMA Annex Building kahapon ng tanghali.
Sa isang panayam kay MJ Chan, security officer na nakatalaga sa GMA Network, nagawa ng lalaki na masindihan ang isa sa limang molotov bombs na dala nito bago napigilan ng security personnel na si Viomar Granada.
Samantala, naaresto ang lalaki nang dumating na ang mga pulis.
Kaugnay nito, hindi pa alam ang pangalan ng lalaki na sumigaw ng, “demokrasya!” at “‘di ninyo ako pinapansin!”.
Nakumpiska ang mga dalang pampasabog habang dinala naman ang lalaki sa Quezon City Police District Station 10. (BRT)





Comments