4 huli sa aktong nagsa-shabu, tiklo
SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang apat katao matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsa-shabu sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police Chief Sr. Supt. Ramchrisen Haveria, Jr. ang mga naaresto na sina Ronel Bana, 21, ng Bgy. NBBS; Rolando Diaz, 54, ng Bgy. 28, Caloocan; Allan Miranda, 46, ng Bgy. Longos, Malabon at Dante Albetia, 29, ng Bgy. NBBN.
Ala-1:45 ng madaling-araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Intelligence Unit sa pangunguna ni PCI Ilustre Mendoza ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktuhang nagdodroga sa isang kubo sa Market 3, Bgy. NBBN.
Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang nakabukas na plastic sachet na may bahid pa ng shabu at ilang drug paraphernalias.





Comments