3 patay sa killer truck
- Levi Gonzales
- Dec 26, 2018
- 1 min read
TATLO ang patay sa pagdiriwang ng kapaskuhan matapos sumalpok ang motorsiklo sa pampasaherong bus sa Maharlika Highway, Bgy. San Jose, Sto. Tomas, Batangas.
Alas-3:30 ng madaling-araw, binabagtas ng JAC Liner Bus na minamaneho ng suspek na si Venancio Quirol, habang patungo ito sa direksiyon ng Lucena City nang bumulaga sa kanya ang motor at kainin ang linya nito.
Hindi na nakayanang magpreno ng suspek kung saan tuluyang pumailalim ang motor sa pampasaherong bus.
Sakay ang tatlong hindi pa nakikilalang biktima kabilang ang dalawang babae.
Nadala pa ang mga ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.
Posible pa umanong galing sa Christmas Party ang mga biktima.
Gayunman, kinasuhan ng pulisya ang driver ng bus sa naturang aksidente.





Comments