top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ZAMBOANGA-SARDINES, PINASUKO ANG BULACAN KUYAS SA MPBL DATU CUP

Alvin Olivar / MC
Dec 24, 2018
1 min read

IPINAMALAS ng Zam­­boanga ang bago at malupet na porma noong Sabado ng gabi nang daigin ang host team Bulacan, 75-72 sa MPBL Datu cup sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Nagsilbing pakabog ang bagong recruit na si Robin Roño sa Family’s Brand Sardines-backed squad habang nakatulong sa kanya sina Harold Arboleda at Allan Santos upang mapa­tatag ng Zamboanga ang tikas para sa pakay na playoffs.

Tumapos si Roño na may 24 points upang pa­munuan ang pruduksiyon ng Zamboanga.

Si Von Lanete, isa sa naging pambato ng mga binagong squad na may 11 manlalaro ay dumagdag ng 14 na marka.

Sa pinakahuli nilang panalo, nagawa ng Zam­boanga na pigilan ang tatlong beses na pagkatalo at umi­bayo sa win-loss record na 7-10.

May pinakawalang 9 rebounds si Arboleda, isa sa nakuhang player ng Para­ñaque kasunod ng 8 puntos habang si Santos na mula sa Laguna na kinuha ng Zam­boanga ay may 8 puntos, 8 rebounds at may limang blocked shots. Ang dalawang frontliners ay pinatunayang mahalaga sila bilang dagdag sa team.

Sa first game, inasahan ng Caloocan sina ex-pros Almond Vosotros at Paul Sanga kontra Valenzuela, 90-87. Nakapagbasket si Vosotros ng 33 puntos, pero ang dagdag na nag-aapoy na puntos ni Sanga ang nag­bigay sa Supremos ng angat na bentahe para sa 6th win sa may 18 laro.

Dumagdag si Sanga, na sandali lang naglaro sa Kia sa PBA ng 21 puntos ay may big game sa limang tres. Ang Longrich-supported Supre­mos ay naghahabol sa laro dahil nasa 12th place sila sa northern division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page