top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sakto ngayong Pasko...PAG-INOM NG INUMIN NA MAY MINT, KERING MAKATANGGAL NG SAKIT NG TIYAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 24, 2018
  • 2 min read

NAKU, tiyak na marami na naman ang maiimpatso ngayong Pasko da­hil sa iba’t ibang pagkaing nakahain sa lamesa ninyo. Subalit, bukod sa pag-inom ng gamot, knows ba ninyong ang inumin na may mint ay kering ma­katanggal ng sakit ng inyong tiyan? Weh, ‘di nga?

Minsan, kahit ayaw na nating kumain dahil sa ka­busugan, hindi pa rin na­tin ito mapigilan lalo na at seasonal lang naman kung makakain tayo ng mga masasarap na pag­kain.

Kaya lang dahil sa pag­pupumilit natin, eh, tiyan naman natin ang nagsa-suffer. ‘Yun lang!

Pero, bukod sa pag-inom ng mga gamot na nakatatanggal ng sakit ng tiyan tulad ng buscopan at iba pang antibiotics, ang pag-inom ng inumin na may mint ay nakaga­galing din umano ng sakit ng tiyan.

Ayon sa mga eks­per­to, ang mint ay unang ipinakalat sa North Ame­rica, Southern Africa at Australia.

Ito ay maraming spe­cies at halimbawa sa mga ito ay peppermint at spear­mint na kadalasang inila­lagay sa candy o bubble gum.

Gayundin, maaari itong gawing sangkap sa mga essential oil na gi­nagamit na panghilot ng katawan tuwing tayo ay may iniindang sakit ng mga kasukasuan.

Samantala, kapag ang mint ay inihalo sa inumin, ito ay nakai-improve ng irritable bowel syndrome at nakatutulong upang ma-relieve ang ating in­digestion.

Para naman sa mga nahihirapan sa academics diyan, ang mint ay nakai-improve din umano ng brain function, kaya alam n’yo na, ha? He-he-he!

Kung madalas naman kayong sinisipon at hin­di na ito tinatablan ng mga gamot, uminom din kayo ng inumin na may mint, mga lodi!

Puwede itong ilagay sa tsaa, kape o kahit sa ma­­ligamgam na tubig nang sa gayun ay mawala na ang barado ninyong ilong.

Kaya ngayong Pasko, hindi n’yo na kailangang mag-worry, kainin na ninyo ang gusto n’yong kainin dahil minsan lang ‘yan sa isang taon.

Basta make sure lang na nakahanda na ang inu­min ninyong may mint, pero gayunman, kahit pa­paano, eh, hinay-hinay pa rin, mga lodi!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page