top of page
Pokwang.jpg

Motor vs. kotse, rider dedbol

Gina Pleñago
Dec 24, 2018
1 min read

NASAWI ang isang motorcycle rider nang ma­salpok ng kotse sa Muntin­lupa City.

Matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng ka­tawan ang ikinasawi ng biktimang si Neil Gregorio, 26, may asawa, residente ng Bagumbayan, Bicutan, Ta­guig City.

Nahuli naman ang driver ng Toyota Altis na si An­thony Pomer, 39, may asawa, ng Malibay, Pasay City.

Base sa ulat ng Southern Police District, naganap ang insidente sa National Road, Bgy. Putatan sa Muntinlupa City, alas-2:35 ng madaling-araw.

Habang minamaneho ni Gregorio ang kanyang motor nang biglang makasalpukan ang nasabing kotse na mina­maneho ni Pomer habang paliko umano sa U-turn slot patungong timog.

Dahil sa lakas ng pagka­kasalpok, nasira ang hara­pang bahagi ng motorsiklo at kotse, samantalang, tu­milapon pa ng ilang metro si Gregorio kung saan masa­ma ang pagkabagsak sa semen­tadong kalsada na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resul­ting in homicide and damage to property ang driver ng kotse.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page