top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Habang abala sa lamay ng kapwa congressman | BAHAY NI AKO BICOL REP. GARBIN, NILOOBAN

  • Jeff Tumbado
  • Dec 24, 2018
  • 1 min read

PINASOK ng ilang la­laki ang bahay ni Ako Bicol Partylist Representative (2nd nominee) Alfredo Gar­bin sa Legaspi City, kaha­pon ng umaga.

Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Of­fice 5, nilooban ng hindi pa tukoy na mga suspek ang bahay ni Garbin sa Ridge View Subdivision, Bgy. Bu­ragwis.

Lumalabas sa ulat na nangyari ang panloloob ha­bang abala si Garbin sa pag-asikaso sa burol ng napas­lang na kasamahan na si Representative Rodel Bato­cabe.

Nakapasok ang tinata­yang tatlong suspek sa bahay ni Garbin sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana sa comfort room, sa ikalawang palapag.

Kabilang sa mga nata­ngay ng magnanakaw ay ang personal bag ni Garbin na may lamang pera at cheque na aabot sa kala­hating mil­yong piso.

Bukod dito, nakuha rin ang isang relos at iba pang mahahalagang gamit.

Pahayag ng pulisya ka­ugnay sa insidente ay isola­ted lamang umano ang pag­nanakaw at hindi ito nau­ugnay sa pananambang kay Batocabe.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page