Bigtime pusher nasakote
Pabs Hernandez III
Dec 24, 2018
1 min read
CEBU CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Quiot sa lungsod na ito.
Kinilala ang suspek na si Mark Tabar, residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 30 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Tabar na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002





Comments