Bagitong tulak tiklo
Pabs Hernandez III
Dec 24, 2018
1 min read
BOHOL—Isang bagitong drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Poblacion,Marijoboc sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Dante Barbante, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na isang sachet ng shabu at P500 markadong pera ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ni Barbante.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kay Barbante para makilala ang nagsu-supply ng shabu sa suspek.





Comments