937 indigenous people na nanlilimos, nasagip
UMABOT sa 937 indigenous people na dumayo sa Metro Manila upang mamalimos ngayong Holiday Season ang na-rescue ng mga awtoridad, batay sa datos na ibinahagi ni National Capital Region Police Office Chief Police Director Guillermo Eleazar.
Naitala ang bilang mula noong December 11 hanggang 23. Sa NCRPO Recapitulation, kabuuang 124 ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa nabanggit na period. Kabilang sa mga nasagip ay mga Aeta at Badjao, maging ilang batang hamog. Pinakamaraming na-rescue ang Manila Police District at sinundan ng Quezon City Police District.
Ayon kay Eleazar, ang pagsagip sa mga IP ay alinsunod sa Presidential Decree No. 1563 o Mendicancy Law of 1978.
Ang mga na-rescue ay binigyan ng warning o nai-turnover na sa DSWD.





Comments