top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5 bata nadale sa paputok

Madel Moratillo
Dec 24, 2018
2 min read

UMAKYAT sa lima ang bilang ng mga batang nabiktima at nasugatan dahil sa paputok.

Ito ay batay sa Firework-related Injuries (FWRI) report na inilabas ng Department of Health (DOH) batay sa kanilang monitoring mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 22 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 23. Ayon sa DOH, dalawa sa mga ito ay mula sa Region VI, isa sa National Capital Region at ang isa ay sa Region IX.

Ang mga bagong biktima ng paputok ay pawang nasa pagitan ng edad anim at 12.

Tatlo sa mga bagong biktima ay nasugatan ngunit, hindi naman na kinailangan pang putulan ng daliri habang eye injury o sugat naman sa mata ang tinamo ng isa pa.

Nabatid na tatlo sa mga bagong biktima ang active user o sila mismo ang nagpaputok habang ang isa ay aksidenteng natamaan lamang habang nanonood sa mga kapwa batang nagpapaputok at naganap ito sa kani-kanilang bahay.

Ayon sa DOH, dalawa sa mga bagong biktima ay nasugatan dahil sa boga, isa ang nasugatan dahil sa kwitis at ang isa pa ay nasugatan dahil sa camara.

Tiniyak naman ng DOH na lahat ng mga bagong biktima ay nilapatan na ng lunas sa iba’t ibang pagamutan, napagkalooban ng antibiotics at tetanus toxoid habang dalawa ang binigyan ng anti-tetanus serum.

Nananatili pa umanong naka-confine sa pagamutan ang dalawa sa mga biktima habang ang iba ay pinauwi naman na sa kani-kanilang tahanan.

Sa kabila naman ng mga naitalang mga bagong kaso, sinabi ng DOH na mas mababa pa rin ito ng 44% o apat na kaso mula sa naitalang siyam na kaso sa kahalintulad na petsa noong 2017 at mas mababa ng pitong kaso o 58% sa 5-year average nang isinasagawa nilang monitoring.

Matatandaang, isang 12-anyos na lalaki mula sa Nueva Ecija ang unang naitala ng DOH na biktima ng paputok noong Disyembre 21.

Gumamit umano ng 5-star ang bata ngunit, minalas na maputukan sa kaliwang kamay at maputulan ng panggitnang daliri.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page