top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

TAPOS NA ANG MGA DUDA SA KAKAYAHAN NI PAUL LEE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2018
1 min read

PINATUNAYAN ni Paul Lee na hindi totoo ang mga duda nang una siyang kunin ng prangkisa sa bisa ng trade ng nakaraang dalawang taon at iyan ay tuluyan nang nabura sa isipan ng marami.

Ilang araw na lamang bago mag-Pasko ay binigyan ni Lee ang Hotshots ng regalo tungo sa kampeonato nang gapiin ng team ang Alaska Aces para angkinin ang PBA Governor’s Cup crown at tuldukan ang four-year title drought, ayon sa PBA.ph.

Ang 29-anyos na guard na mula sa Tondo ang pangunahing namuno sa iskor sa bisa ng 16 puntos, kabilang na ang 9 sa final quarter nang kunin sa final quarter ang panalo, 102-86 sa Game 6 sa Ynares Center, Antipolo City.

Si Lee ang nakapagsalpak ng game-winning basket, 79-78 sa krusyal na Game 5 victory, subalit ang nagawang big game ni Mark Barroca ang itinanghal na PBA Press Corps finals MVP na hindi naman alintana ng UE standout basta ang mahalaga sa kanya ay ang korona ng team.

Iyon aniya ang mismong layunin niya mula nang mapasok sa koponan noong 2016 nang mai-trade siya mula Rain or Shine kapalit ni two-time MVP James Yap. “Siyempre, mabigat iyon, lahat ng tao iyon ang tinitingnan simula nang na-trade ako rito kapalit ni kuya James. ‘Yun ang tinitingnan ng tao kung makakapag-champion ako rito sa Purefoods franchise at least nakuha naman namin,” ani Lee. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page