Rider dedbol sa bus
CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Mabolo, Naga City sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Anthony Bien, samantalang, ang sugatan ay si Angela Morfe, kapwa residente ng Bgy, Balatas sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng bus na minamaneho ni Ricky Cena kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Bien, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury si Cena.





Comments