top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PACMAN, NASA U.S. NA

Alvin Olivar
Dec 23, 2018
2 min read

NAKAALIS na kahapon sa bansa patungong U.S.A. si WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao para sa nakatakda niyang 3rd series ng training camp sa inaabangang pagbabalik niya sa U.S. para sa Pacman-Broner fight sa Enero 19 na idaraos sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Dakong alas-10 ng umaga bumiyahe ang Team Pacquiao patungong Maynila at doon direktang sumakay ng eroplanong maghahatid sa kanya sa U.S. Hindi na rin nagawang makipag-spar ni Pacman sa huling sesyon niya sa bansa kahapon sa Wild Card Gym sa General Santos City dahil abala na ang Team Pacquiao sa pag-empake ng kanilang mga gamit sa biyahe.

Doon na sa Amerika sa Lunes itutuloy ni Pacman ang ensayo at hahataw siya sa 9 na rounds ng sparring session para sa 12 rounds na unti-unti na ring babawasan ayon sa kakayanin ng stamina at lakas ni Pacman. Ipinagmamalaki na ni coach Buboy Fernandez na 85 percent na maganda ang kondisyon ng kanyang alaga kontra American boxer Broner para sa 12 round bout.

Samantala, hindi umano ramdam ni Pacquiao ang kanyang edad na 40, sa halip ay para lang daw siyang nasa 25-anyos. “Life begins at 40,” sabi ni Manny. “Physically, I still feel like I am 25, but with the benefit of the wisdom that comes from the added years of my life experience. I still have a lot I want to accomplish as an athlete, a public servant, and a father, husband and son. I look forward to adding more chapters to my life story.”

Diretso na siya sa Hollywood, California, ang 2nd home niya sa Wild Card Boxing Club kung saan niya itutuloy ang nalalabing ilang linggong intensive training para sa title defense niya kontra Broner. Sisimulan niya ito sa bisperas ng Pasko at walang sasayanging oras ang team Pacquiao, makapaghanda lang mabuti kontra Broner.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page