Minahan sumabog, 13 todas
- Joy Repol Asis
- Dec 23, 2018
- 1 min read
ISANG pagsabog ang naganap sa minahan kung saan nasawi ang 13 minero sa Czech Republic.
Batay sa impormasyon, pawang Polish nationals ang mga biktima habang 10 ang sugatan.
2,600 talampakan ang minahan sa CSM hard-coal mine sa Karvina na malapit sa border ng Poland kung saan naganap ang insidente.
Dahil sa laki ng sunog, nahirapan ang mga rescuer sa pag-apula ng apoy.
Ayon kay Czech Prime Minister Andrej Babis, ang nasabing insidente ang pinakamalaking sunog na nangyari sa bansa.





Comments