top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

JAMES KAHIT MAY SAKIT UMARYA ANTETOKOUNMPO BIDA SA 30 PTS.

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2018
2 min read

NAGAWA pa ring makaarya sa laro kahit na may sakit kahapon si Lebron James at tumapos ng 22 puntos, 12 rebounds at 14 assists nang resbakan ng Los Angeles Lakers ang New Orleans Pelicans, 112-104 sa NBA game.

Ito ang ikatlong triple-double ni James sa Lakers at ikalawa sa apat na laro. Ito rin ang ika-76 sa kanyang career. Bumakas si Kyle Kuzma ng 23 puntos para sa Lakers na tinapos ang two-game losing streak.

Sa una niyang simula ng season, umiskor si Lakers center Ivica Zubac ng 16 puntos sa positibong pagba­balik ng Lakers sa balwarte matapos ang 1-3 win loss sa road trip. Bumasket si Anthony Davis ng 30 points at 20 rebounds para sa Pelicans na natalo sa tatlong sunod na laro at 0-2 sa current road trips na nagapi rin mula sa Sacramento at Dallas.

Ang estado sa bilang ng players ay kinuwestiyon sa simula ng laro dahil na rin sa ilang may dinaraing na karamdaman. Ang laro nina James at Davis ay pinag­dududahan sa simula. Nag­laro rin kahit may karam­daman sina Zubac at Tyson Chandler para sa Lakers.

Dumagdag si Kyle Kuzma ng 23 puntos para sa Lakers na tinapos ang two-game losing streak. Sa simula ng season, umiskor si Lakers center Ivica Zubac ng para sa positibong panalo sa balwarte.

Samantala, mabagal pa muna ang naging laro ni Giannis Antetokounmpo pero ginamit ng Milwaukee teammates ang kanilang taas at 3-point shooting para sa 26-point first-half advantage kaya nagawang talunin ng bisitang Bucks ang Boston Celtics, 120-107. Apat lang na first-half field-goal attempts ang nagawa ni Antetokounmpo at umiskor ng 11 puntos bago nag-break. Tumapos siya ng 30 points at 8 rebounds, 5 assists at tatlong blocked shots.

Dumagdag si Khris Middleton ng 21 puntos habang si Eric Bledsoe ay may 16 para sa Bucks. Namuno si Jaylen Brown sa Celtics na may 21 points. Tumapos si Jayson Tatum ng 20 points sa kabila ng 10 of 15 shots. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page