top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dapat daw tayong maging aware, sa mga kinakain natin, mga besh...TIPS PARA DEHINS MASIRA ANG MGA HAN

  • Donna Thea Topacio
  • Dec 23, 2018
  • 2 min read

PROBLEMADO ba kayo, mga beshy, dahil natatakot kayo na baka maraming masayang na pag­kain this Holiday Season? Don’t wor­ry dahil may maipa­payo kami para sa inyo, in short, we got it all for you!

Kaya narito ang ilang paraan kung paano hindi masayangan ng pag­kain kapag may mga handa­an:

1. GIVE IT AWAY. Yes, teh! Huwag tayong mara­mot ngayong kapas­­kuhan. Hindi ba, ang sabi, magbiga­yan ngayong Pasko? Kaya kung may mga sobrang pag­kain kayo pagkatapos ng mga handaan, puwede n’yo ‘yang ipamigay sa mga ka­ibigan at kamag-anak ninyo. Kaya give it away, mga besh, bago pa ‘yan mapanis. Okie?

2. CHILL OUT. Anong ginagawa ng refri­gerator n’yo? Use it! Ka­pag may mga natirang pag-kain, mainam kung ila­lagay n’yo ito sa ref nang sa gayun ay hindi ito ma­sira at mapakinabangan pa sa mga susunod na araw, pu­wede pang pam­baon nina bagets, ‘di ba, bong­ga?

3. ZIP IT GOOD. Pu­mili ng mga lalagyan na alam ninyong magiging safe ang ihahanda ninyo. Umiwas tayo sa mga mema gamit lang para sa party. ‘Ika nga, kapag ma­ayos ang lalagyan, ma­sarap itong kainin. Sino ba ang may gusto na yum­my but deadly? Hmmm... doon tayo sa masarap kaya uulit-uulitin mo pa hanggang sa tumaob na ‘yung lalag­yan. He-he-he!

4. BE CREATIVE. Ka­pag madiskarte tayo, tiyak na magagamit pa natin ang mga tirang pag­kain para ma­kabuo ng panibagong putahe o ulam. Kaya be creative, mga beshy! Kung dehins n’yo naman knows kung pa­ano gagawin ito, anong silbi ng google at inter­net? Search it! Hi-hi-hi!

5. CHECK TEM­PE­RA­TURE. Make sure na nasa tamang temperature ang inyong pagkain lalo na ‘yung mga madaling mapanis tulad ng kare-kare, buko salad, mga pag­kaing may gata at mara­mi pang iba. Alam kong ma­hal ang bili n’yo r’yan, kaya make sure na hindi masisira kaagad at mas better kung mapakikina­bangan pa ‘yan lalo na ngayong mahirap na ang buhay.

Oh, ayan, make sure na susundin n’yo ang mga ito upang hindi kayo magsisi sa huli. Maraming paraan upang makain pa ulit ang mga natirang pag­kain, pero kapag sira na talaga, huwag n’yo nang ipilit dahil baka ang tiyan n’yo naman ang magdusa at maospital pa kayo nang wala sa oras. En­joy the Holiday Season — mag­ma­halan, magbigayan at magka­pa­tawaran na ta­yong lahat! Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page