top of page
Pokwang.jpg

African, timbog sa pekeng passport

Jeff Tumbado
Dec 23, 2018
1 min read

DINAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng African national na nakatakda sanang umalis ng bansa gamit ang pekeng pasaporte.

Sa report ni BI Port Operations Chief Grifton Medina, inaresto nila ang 31-anyos na si Safae Hazot Medin Omran sa departure area ng Mactan International Airport sa Cebu City.

Pasakay na si Omran sa eroplano patungong Taipei, Taiwan na may rutang Vancouver, Canada nang ito’y maharang.

Ayon kay Medina, iginigiit ng suspek na siya ay Canadian citizen subalit, kalaunan ay umamin din sa tunay na nationality nito sa pamamagitan ng pagprisinta ng kanyang Eritrean passport.

Dito napag-alaman na nakuha ni Omran ang Canadian passport sa halagang 18,000 Saudi Riyals sa Riyadh, Saudi Arabia.

Pansamantalang nakapiit si Omran sa Immigration detention facility sa Bicutan, Taguig City na anumang araw ay ililipad pabalik sa kanyang bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page