Pinay dedbol sa Hawaii
- Joy Repol Asis
- Dec 22, 2018
- 1 min read
NAAKSIDENTE ang isang Pinay dahilan para bawian ito ng buhay sa Garden Idle, Kauai, Hawii.
Naninirahan umano sa nasabing lugar ang biktimang si Christine Bumanglang.
Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot sa Queens Medical Center sa Honolulu.
Batay sa impormasyon, minamaneho umano ng biktima ang kanyang sasakyan nang bigla itong mabangga ng van.
Sa lakas ng impact, tumama ang ulo ni Bumanglang sa kanyang manibela.
Unang dinala sa Wilcox Hospital ang biktima ngunit, kinailangan itong ilipat sa Queens Medical Center at doon na ito binawian ng buhay.





Comments