top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Parak patay sa mga troso

Pabs Hernandez III
Dec 22, 2018
1 min read

BOHOL—Isang nakamotorsiklong pulis ang namatay nang aksidenteng mabagsakan ng mga trosong nahulog sa trak, kamakalawa sa Bgy. Mataub, Clarin sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si P02 Hermes Sanchez, nakatalaga sa Buenavista Police Station.

Ayon sa ulat, habang lulan ng motorsiklo si Sanchez ay bigla itong nabagsakan ng mga trosong nahulog sa nakasalubong nitong trak na minamaneho ni Jerry Sunpongco, residente ng bayan ng Jana sa naturang lalawigan.

Dinala pa ng mga saksi si Sanchez sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Sunpongco.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page