Parak binentahan | EDAD 15, 16 AT 17 TIKLO SA SHABU
TATLONG binatilyo na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay PO2 Jaypee Mañalac, ala-1:30 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCI Ilustre Mendoza ang buy-bust operation kontra sa mga suspek na edad 15, 16 at 17 sa R-10, Bgy. NBBS Proper Navotas City.
Nagawang makabili ni PO1 Edgar Batara na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng isang plastic sachet ng shabu kapalit ng P300 marked money.
Matapos ang transaksiyon, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.
Narekober pa sa mga ito ang tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu.





Comments