Palasyo sa nangyaring pambu-bully sa Ateneo “BAKA MAY NAG-TRIGGER”

IGINIIT ng Malacañang na kailangang magkaroon ng masusing imbestigasyon kaugnay sa viral video ng estudyante na nanakit ng kapwa estudyante sa Ateneo de Manila University.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil isang side lamang ang nakita ng publiko kung saan binu-bully ng maliit na estudyante ang mas malaking kapwa estudyante.
“I watched that. I was bothered by what I saw. I think, they should investigate why there was such a one-sided fight given the fact that the one who mauled was much smaller,” sabi ni Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“Sabi ko nga, baka may nag-trigger, kasi parang sinasabi nila na the bata should undergo psychiatric exam. Dapat talaga imbestigahan. The school should investigate and do something about it,” ani Panelo.
Diin ni Panelo, dapat kumilos ang naturang eskuwelahan dahil may batas na nagbabawal sa pambu-bully.
Una nang nanawagan ang pamunuan ng eskuwelahan na itigil na ang pagpapakalat ng nasabing video lalo na at parehong menor-de-edad ang sangkot na mag-aaral.





Comments