Nagbibilang ng napamaskuhan, nasagasaan | 7 yrs. old na nangaroling, patay
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 1 min read

DEDO ang pitong taong gulang na batang nangaroling matapos masagasaan sa Bgy. Rosario, Pasig City.
Nakita sa CCTV na nagbibilang ng kanyang pera mula sa pangangaroling ang batang lalaki nang masagasaan at makaladkad ng AUV.
Dead-on-arrival sa ospital ang bata habang tumakas naman ang driver ng AUV matapos ang insidente.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa kuha ng CCTV para mahuli ang salarin.
Ayon naman sa mga opisyal ng barangay, paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga kalsada lalo ngayong maraming mga bata ang nangangaroling sa gabi.(BRT)





Comments