Masama raw ang violence, pero… SIGAW NI REGINE: OKS LANG PATULAN ANG MGA NAMBU-BULLY

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang pambu-bully diumano ng isang junior high school student na mula sa isang kilalang pribadong eskuwelahan. Ito ay matapos kumalat sa social media ang video ng naganap na pambu-bully physically at verbally na nangyari sa sikat na university.
Dahil dito, bumuhos ang komento ng mga netizens at pati ang ilang celebrities ay hindi na rin nakapagpigil na magsalita tungkol sa isyu.
Isa sa mga sumali sa usapin at nagbigay ng pahayag ay ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, na matapos mapanood ang nasabing bullying video ay sinabing kailangan daw nating turuan ang ating mga anak (o mga bata) na matutong depensahan ang kanilang sarili.
Ayon din sa Asia’s Songbird, hindi siya naniniwala sa violence, pero hindi rin daw masama kung ipagtatanggol natin ang sarili laban sa mga bullies.
Aniya, “Oh, my goodness. I think we need to teach our children how to defend themselves.”
Dagdag pa niya, “I don’t believe in violence but masama ba kung ipagtanggol mo ang sarili mo? Nakakagalit ito,” at tinapos ang komento sa paglalagay ng hashtag na, “#NoToBullying”.
Hindi rin napigilan ng aktres na si Gabbi Garcia na magsalita tungkol sa isyu.
Aniya, “Got to see a compilation video of this kid from a private school bullying his schoolmates. I feel so sorry for his parents. I just really hope that the school would do something about this. This kid needs to learn his lesson the hard way.”
At ang dating Goin’ Bulilit star na isang recording artist na ngayon na si Sharlene San Pedro, nagpahayag din ng pagkainis.
Aniya, “Kung sino man ‘yung student na nambu-bully sa nagvi-viral na video, eh, may kalalagyan. Salamat, sa kung sino man nag-upload. First time ko manggigil sa buong buhay ko.”
Sa inilabas na pahayag ng naturang paaralan, sinabing iimbestigahan daw nila ang nasabing insidente na susundan ng nararapat na kaparusahan.





Comments