top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malasakit ni Catriona sa mga Pinoy, tunay na kahanga-hanga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2018
  • 2 min read

KAY gandang regalo ang hatid sa ating bansa ng pagkapanalo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong nakaraang Lunes.

Marahil, marami sa ating mga kababayan ang tila tumigil ang mundo noong araw na ‘yun tulad na lamang nang manalo ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach noong 2015. Matagal nang inaabangan ng ating mga kababayan ang malaking event na Miss Universe Pageant kaya gan’un na lamang ang ating anticipation para sa bawat kandidata natin.

Ang bagay na hinangaan natin kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ay ang ipinamalas niyang pagmamahal sa bayan. Kitang-kita na talagang pinag-isipang mabuti ang konsepto sa bawat kasuotan nito gayundin, ang kanyang mga sagot sa mga katanungan sa Q&A.

Pinakatumatak sa ating isipan ang kanyang pagmamahal sa ating kultura kaya hindi nakagugulat ang effort niya na i-showcase ang kanyang mga kasuotan base sa ating makulay na kultura at kasaysayan.

Gayundin, sadyang napakaganda ng aspeto ng kanyang ipinamalas na pagmamalasakit sa kanyang kapwa na nasasadlak sa hirap. Ito ay kanyang nailahad sa sagot niya sa Miss Universe kung saan kanyang sinabing pinipili niyang makita ang pag-asa sa kabila ng paghihirap.

Habang may mga nagsabing tila niro-romanticize ng kanyang sagot ang paghihirap ng ating mga kababayan, sa palagay natin, tinutukoy niya ang resilience ng ating lahi. Kahit ano pa ang pagdaanan natin ay kaya nating makita ang positive side rito.

Sana, lahat tayo ay makita ang positive side sa lahat ng bagay dahil it really makes a difference kapag ganito ang ating pananaw sa buhay. Napakahirap kapag mahirap na nga ang buhay, pessimistic pa tayo, ‘di ba? Minsan, pakiwari natin, we attract negative energy when we keep dwelling on the negative.

Let’s all be like Miss Universe 2018 Catriona Gray and stay positive, lalo na at papalapit na ang Pasko. Let’s invite positive vibes this Holiday Season and remember to always be nice!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page